Abante Tonite Interactive

Sarah pinalit ni Jimuel kay Heaven

1,405

Maugong ang tsika na ang Us Again star na si Sarah Edwards ang ipinalit ni Jimuel Pacquiao kay Heaven Peralejo.

Katunayan, todo suporta siya sa dalaga sa ginanap na premiere night ng nasabing pelikula kamakailan.

Nag-enjoy rin daw siya sa Us Again na nagtatampok din kina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Bilib din daw siya sa performance ni Sarah sa obra ni Joy Aquino na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan.

Si Sarah ay batchmate ni Jimuel sa isang acting workshop. ‘Wag daw bigyan ng ibang kulay. Nali-link din umano ngayon ang anak ni Pacman kay Barbie Imperial.

Sa isyu naman ng ex na si Heaven, wala raw namang problema kung sakaling magkasama sila sa isang proyekto dahil pareho silang propesyonal.

Hindi rin malayong pasukin niya ang politika pero mananatiling nasa larangan ng sports ang kanyang puso.(Archie Liao)