Abante Tonite Interactive

Sarah pinalo sa puwet si James

By
751

Faithful ang role ni James Reid sa Pinoy adaptation ng feel good/dramedy Korean movie na ‘Miss Granny’. Mapapanood ito sa mga sinehan simula August 22 starring Sarah Geronimo with Xian Lim for Viva Films.

Oo nga at apo ang ginampanan niyang role sa Miss Granny na kinaaliwan sa trailer pa lang, mapapanood siya sa lahat ng importanteng eksena ng pelikulang dinirek ni Binibining Joyce Bernal.

Hindi naman malilimutang eksena ni James sa pelikula ay nang paluin siya ni Sarah sa bum o sa puwetan habang sila ay nasa bilihan ng bulaklak. “It was really funny, ang saya.”

Anong feeling na makasama si Sarah sa movie?

“It’s incredible to be next to Popstar Princess on the stage and dito naman sa movie, it’s different kind of performance. She’s a great actress. She can pull off any role, she can plays very well,” sambit ni James tungkol sa pelikula na kuwento ng isang malungkot na lolang lampas 70 years old na muling ngkaroon ng happiness nang bumalik siya sa kanyang kabataan matapos magpa-picture sa isang photo studio.

Masayang-masaya rin siya na natupad na naman ang isang dream niya, ang makatrabaho ang isang Pop Superstar.

“For me, a lot of my dreams have been coming true, I feel really blessed and I’m so grateful to boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened.

“It’s a fun movie so the set is very fun. Direk Joyce is very cool… The scenes are very light and fun.”

Paano siya naka-relate sa role niya sa pelikula?

“The genre is just different. I’m more on hip hop/RnB and he’s (his cha­racter sa movie) more on rock,” paliwanag niya.

Follow up movie ito James after ng critically acclaimed na ‘Never Not Love You’ nila ni Nadine Lustre.

Nagpapasalamat naman si James na light comedy lang at hindi talaga kailangan ng mabibigat na eksena ang first movie na hindi niya kasama ang girlfriend.

Pagkatapos ng Miss Granny, back to music siya, at sisimulan na rin niya ang pelikulang ‘Pedro Penduko’.

Anyway, magkakaroon ng simultaneous premiere night ang Miss Granny ngayong Lunes, sa Megamall and TriNoma na tiyak na dadagsain ng mga fan.