Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah pumiyok sa magulang

0 99

Napasaya na naman ni Sarah Geronimo ang kanyang mga fan sa kanyang mga naging pahayag sa recent virtual conference para sa ine-endorsong insurance company.

Sa panayam ay napakaganda ng mga sinabi ni Sarah tungkol sa kanyang mga magulang, dahilan para purihin at hangaan siya ng netizens sa pagiging napakabait na anak.

Ayon sa Popstar as quoted by Philstar, “Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband.”

Inamin din ni Sarah na talagang lumaki raw siya na naka-depende sa kanyang parents dahil grabe naman daw kasi talagang mag-alaga ang kanyang mama at papa.

Kaya naman kinakailangan daw niyang i-remind lagi ang sarili ngayon na hindi na siya single.

“I have to accept na hindi na ako single. Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband,” pahayag pa ni Sarah.

Pinuri ng netizens ang singer pati ang kanyang magulang dahil maayos daw talagang napakalaki ng mga ito si Sarah.

@@@

Ellen 3 ang mental disorder

Sa kanyang recent YouTube vlog ay inamin ni Ellen Adarna that she was diagnosed with 3 mental disorder.

“I was diagnosed with depression, anxiety and post-traumatic stress disorder,” bungad niya sa kanyang vlog na may titulong “Why I needed mental training.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung bakit daw siya umabot sa nasabing state ay ayaw na raw niyang i-elaborate pa in detail.

“But let’s just say that you know, so many things happened all at once. In a span of four months or less than 4 months. Everything happened. All the bad things that I imagined happened. So it was very traumatic,” sey pa niya.

Pero hindi raw siya nagpatalo sa kanyang sakit at pinilit niyang bumangon.

“I went to therapy, I had 2 psychiatrists, did counseling and a lot of talking, talking, talking.

“Yes, I was on medications, I was on a lot of tranquilizers. My panic attacks were really, really bad like the point where my body would shake, and then, I puke like it’s so weird. And you know, at that time, I didn’t know what it was because I was. . .I never had anxiety like that serious,” pagtatapat pa niya.

Akala raw niya noong una ay mamamatay na siya dahil sa hirap na nararamdaman sa kanyang katawan.

“I was just also very sad like I was in a very dark place for two years, almost three years. You know, I thought I wasn’t gonna snap out of it,” patuloy niya.

In 2018 ay nag-decide na raw siyang itigil ang kanyang medication dahil naging manhid na raw siya at lagi raw siyang natutulog. May time na hindi rin daw siya naliligo ng ilang araw at lagi lang sa kama.

“I basically slept for almost 3 years,” aniya.

Sa ngayon daw ay 101% okay na siya, no medications, no sadness at masaya na raw siya.

“By the way, I am 101% okay now. No more Meds and sadness…just love and smile ♡ I am out of that black hole, thank you my tor-MENTOR,” ang pahayag ni Ellen sa video description.

Leave A Reply

Your email address will not be published.