Abante Tonite Interactive

Sarah-Regine ‘dream team’ kay Martin

0 636
tonite-pak-allan-diones

Kahapon lang nagsimulang mapanood si Martin Nievera sa ni-reformat na “ASAP.”
Ang sabi sa amin ni Martin, nag-tour siya for DZMM kaya wala siya sa first two episodes ng “ASAP Natin ‘To!” Every Sunday daw na nandito siya sa ‘Pinas ay mapapanood siya sa show.
“It’s always nice to have new changes,” sey ng Concert King tungkol sa mga pagbabago sa 23-year-old Sunday musical variety show ng ABS-CBN.
Dagdag niya, “Change is good. The show for me, personally, didn’t need any kind of improvement but who am I to say? I’m one of the audience, I’m inside looking out.
“‘Yung mga outside looking in, ang sinasabi nila, kailangan ng bagong portions. Tapos, may bagong kasama rin sa show, sina Regine (Velasquez-Alcasid), ‘di ba?
“So, we have to somehow improve the show. I think, the idea there of ‘ASAP’ was to improve the portions that we already have. But change is good.”
Aware si Martin na pinalitan na ‘yung dating team na may hawak ng “ASAP.” Ang talk unit na pumalit dito ay nakatrabaho niya raw dati sa talk show niyang “Martin Late at Night.”
“If you were to ask me, I think ‘ASAP’ was already good the way it was. I want to remember ‘ASAP’ the way it is.
“That’s why it’s hard for me to say the words ‘ASAP Natin ‘To!’ It should really be our… ‘pag sinasabi mong ‘ASAP Natin’, ibig sabihin, kasama rin kayo. It is our ‘ASAP.’
“But for me, ‘ASAP’ will always be ‘ASAP’, the way it was 25 years ago. The way it is today, I’m still the same guy. I’m just happy that I’m still on the show. And that we’re still looking for ways to entertain the people better and better every Sunday.
“We cannot naman stay in one place, one mode. Kailangan, gagaling at gagaling, di ba? Sana,” pakli ni Martin.
Anong masasabi niya na sina Regine at Sarah Geronino na ang frontliners ng “ASAP Natin ‘To!”?
“That’s a dream team talaga. And now we’re showing you na anything is possible on ‘ASAP’. So, they made what we once thought was impossible, they made it possible by joining Regine and Sarah. Since now Regine is Kapamilya, now it’s okay, ‘di ba?”
Ano namang reaction niya sa pamba-bash na nakuha ni Regine nang lumipat ito sa Kapamilya network?
“Well, I think Regine expected that. I would expect the same thing if I went to another channel. I’m sure I would be bashed also. That’s just natural.
“I mean, haters will hate, you know. But I think Regine is bigger and her talent is bigger than a basher. I think she’ll survive,” sambit pa ni Martin, na nakatsikahan namin sa 50th birthday party ng kaibigang Noel Ferrer sa Avellana Art Gallery sa Pasay City.

Andrea walang aircon sa bahay

Naaliw kaming katsikahan ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes.
Nang tanungin namin kung kailan kaya magkaka-boyfriend ang 15-anyos na dalaga, ang sagot niya sa amin ay, “Kapag meron na akong bahay, kotse, kapag naka-aircon na ‘yung bahay ko.”
Ayaw naming maniwala na wala silang aircon sa bahay, pero ang sabi ng magandang bagets ay wala raw talaga, electric fan lang.
“Sabi ni mama, kapag nagkabahay na kami, du’n pa lang kami puwedeng mag-aircon,” sey ni Andrea.
Ganern? Mura lang naman ang aircon, ah? Ang dami na niyang naging shows sa ABS-CBN, hindi pa siya nakakabili ng air conditioner sa bahay niya?
“Ako po kasi rin ‘yung breadwinner, so ako rin ‘yung nagbabayad ng lahat. Okey lang, sanay naman po ako. Hindi rin naman ako lumaki sa aircon,” pakli ng bagets.
Nang sabihin naming baka may mag-sponsor ng aircon niya kapag nalaman na wala siyang aircon, ang hirit ng bagets ay hindi lang daw ‘yung aircon ang hindi niya afford kundi pati ‘yung monthly na pambayad ng kuryente. Ha! Ha! Ha!
Isa si Andrea sa mga bida sa pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” kasama sina Empress Schuck at Kristel Fulgar.
In-adjust daw niya ‘yung pagi­ging bata niya para sa role niya na 18-year-old student na mahilig sa music.
Ang sabi ni Andrea nu’ng presscon ay may shocking daw siyang eksena sa movie, pero ayaw niyang sabihin kung ano.
Basta, parang naging love inte­rest niya si Neil Coleta sa pelikula na sa Miyerkoles, December 5, na ang showing sa mga sinehan nationwide.