Abante Tonite Interactive

Sarah, Regine, Gary, Martin walang ka-level sa SEA Games

1,222

Tinutukan namin ang opening show ng SEAG na ang sabi ay world-class daw at spectacular, pero parang hindi ganu’n ang napanood namin.

Bilang ito ang Olympics ng Southeast Asia, ang inaasahan mong makitang mag-perform dito ay the best, the biggest and the brightest musical artists ng bansa. Tapos, ang kumanta ng opening number ay si Robert Seña? Anyareh?!

Imbes na mga level ni Lea Salonga (na nasa Singapore dahil sa musical na “Sweeney Todd”) o kahit nina Regine Velasquez at Sarah Geronino, Robert Seña talaga?!

Hindi man lang Martin Nievera o Gary Valenciano? ‘Yun na talaga ‘yung the best na nakuha nila?!

Kalerky!! Ang dami pa naming gustong ikomento, pero ‘di bale na lang tutal ay tapos na. Haaayyy…

Ipagdasal na lang natin at suportahan ang mga atletang Pinoy! PAK!!

Jun Lana waging best director sa Tallinn Black Nights Filmfest

After magwagi ni Judy Ann Santos bilang Best Actress sa 2019 Cairo filmfest, ay nanalo ng another recognition ang ‘Pinas sa isa pang A-list film festival abroad.

Si Direk Jun Robles Lana ang tinanghal na Best Director sa 23rd Tallinn Black Nights Film Festival sa Tallinn, Estonia.

Lumaban sa main competition at nag-world premiere doon sa Tallinn ang bagong obra ni Direk Jun na “Kalel, 15” na bida ang bagets actor na si Elijah Canlas.

Gumaganap si Elijah bilang isang teenager na anak ng pari at HIV positive.

Huling napanood si Elijah bilang bespren ng bidang si Louise Abuel sa Cinemalaya 2019 entry na “Edward” at bilang rakistang younger brother ni Gabbi Garcia sa PPP 2019 entry na “LSS”.

Ang bongga ni Elijah dahil pinuri siya ng head of the jury na si Mike Newell.

“You were brilliant,” ang sabi raw kay Eljah ng sikat na British director na nagdirek ng “Harry Potter and the Goblet of Fire”, “Four Weddings and a Funeral”, “Donnie Brasco”, atbp.

Tapos ay nilapitan din daw ang 19-anyos na bagets ng direktor ng nagwaging Best Film (“Kontora” from Japan) at hiningi ang contact info nito for a possible film.

Bukod sa golden wolf trophy ay may kasamang grant na 5,000 euros ang nasabing award, na paghahatian ni Direk Jun at ng producer nito na si Ferdy Lapuz.

Sa Tallinn filmfest din nagpunta sina Bela Padilla at Direk Paul Soriano, pero sa ibang section ng festival lumaban ang pelikula nilang “Mañanita”.

Excited na kaming mapanood ang mapangahas na pelikula ni Direk Jun, na ang komentaryo ng jury ay, “Working with a large cast of mostly very young actors, he has made a film which feels deeply-rooted in the everyday lives of its characters.

“His film pulls away from the sticking-plaster from the wound of the AIDS epidemic among young people of the Philippines and exposes the terror and violence that this crisis imposes on them. It’s a passionate and concerned film about lives we never see in the West.”