Abante Tonite Interactive

Sarah-Regine kabugan sa concert

389

Hindi ikinakaila ni Regine Velasquez na masaya siyang katrabaho si Sarah Geronimo.

Halos iisa ang pattern ng career nila. Ang ginawa ni Regine ay nangyari rin kay Sarah matapos siyang i-sign-up ng Viva for management.

After 16 years, Regine and Sarah shared the same stage on “ASAP Natin ‘To” na madalas nang mangyari ngayon dahil pareho silang bahagi ng programa.

Nitong nakaraang November lamang ay biglang lumutang ang balitang magsasama ang dalawa sa two-day concert na magaganap sa Big Dome (Araneta Coliseum). Ito’y sa darating na February 2020 to be produced ng Viva Live and Regine’s sister-manager Cacai Velasquez.

Parehong excited sina Regine at Sarah sa kauna-unahan nilang back-to-back concert. Hindi rin ikinakaila ni Sarah na isa umano si Regine sa mga hinahangaan niyang mang-aawit nu’ng nagsisimula pa lamang umano siya sa kanyang singing career. Dream come true umano ang kanilang pagsasama sa concert. Hindi naman ikinakaila ni Regine kung gaano siya ka-proud sa narating ni Sarah.

Dyowa ni Slater Young buntis

Buntis na si Kryz Uy, vlogger wife ng “Pinoy Big Brother Unlimited” big winner na si Slater Young. Ikinasal ang dalawa nu’ng nakaraang February 16, 2019 sa Cebu City.

Bago si Kryz ay sandaling naging kasintahan ni Slater ang West End star na si Rachelle Ann Go. Tumagal lamang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon dahil sa distance.

Samantala, masayang-masaya ang mag-asawang Slater at Kryz dahil malapit na silang magkaroon ng baby.

After his brief stint in showbiz ay binalikan ni Slater ang kanyang pagiging isang engineer-businessman.

‘Di kinagat kay Alice: Aga babawi sa MMFF

Twenty-eight years ang ipinaghintay ng dating matinee idol na si Aga Muhlach bago muling nakabalik sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito’y sa pamamagitan ng local adaptation ng Korean hit movie na “Miracle in Cell No. 7”. Pinagtambalan nila ng child star na si Xia Vigor.

Dalawang magkasunod na MMFF entry ang ginawa ni Aga in 1992 and in 1993, ang “Bakit Labis Kitang Mahal”. Kasunod ang “May Minamahal” na pinagsamahan naman nila ni Aiko Melendez. Both movies gave Aga his two Best Actor trophies sa dalawang magkasunod na taon ng MMFF.

Hindi man gaanong kinagat ng mga manonood ang balik-tambalan nila ni Alice Dixson sa pelikulang “Nuuk”, mukhang babawi si Aga nang husto sa “Miracle in Cell No. 7”. Binigyan ito ng ‘G’ classification ng MTRCB at Graded A naman mula sa CEB.