Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Regine, Moira pukpukan ang labanan sa Star Awards for Music

0 184

ROMMEL PLACENTE: Inilabas na ng Philippine Movie Press Club,na kinabibilangan natin mga ka-Cuatros,ang opisyal na mga nominado para sa 12th Star Award For Music.

Maglaban-laban sa Song of the year ay ang mga sumusunod:Huling Sandali – December Avenue | Tower of Doom Music,Imposible – KZ Tandingan feat. Shanti Dope | Star Music,Kung ‘Di Na Ako – Agsunta | Star Music,Mabagal – Daniel Padilla and Moira Dela Torre | Star Music,Pagtingin – Ben & Ben | Sony Music Philippines,Patawad, Paalam – Moira Dela Torre feat. I Belong To The Zoo | Star Music at Pusong Naliligaw – Sharlene San Pedro feat. Zach Tabudlo | Ivory Music and Video Inc.

Well,alin kaya sa mga ito ang papalarin na manalo bilang Song Of The Year?

RODEL FERNANDO: Bongga ang mga nominado sa ika-12 na edisyon ng Star Awards For Music. Winner din sina Ms. Kuh Ledesma at Mr. Louie Ocampo na pagkakalooban naman ng mga pinakamataas na karangalan sa taunang pagdiriwang na ito ng PMPC. Si Kuh para Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at si Louie naman sa Parangal Levi Celerio bilang composer.

Iaanunsiyo sa mga darating na araw ang detalye ng pagdiriwang na gagawin sa pamamagitan ng virtual awards night. Pamumunuan ito siyempre ng Entertainment Editor ng Abante Tonite at kasalukuyang Presidente ng PMPC na si Roldan Castro.

Sa hanay ng mga nominado, isa sa mga matitindi ang labanan ay sa kategoryang FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR na pinangungunahan nina Angeline Quinto ( Angeline K’ To, Concert Namin ‘To’), Katrina Velarde (Sikat i2 Katrina Velarde Live In Concert), Lea Salonga (Perfect Ten), Moira Dela Torre (Braver), Regine Velasquez (Iconic), Sharon Cuneta (Iconic) at Zsa Zsa Padilla para sa concert niyang Totally Zsa Zsa. Matalbugan kaya nina Moira, Katrina at Angeline ang mga beteranang sina Regine, Sharon, Zsa Zsa at Lea?. Abangan!

MILDRED A. BACUD:Dalawa rin sa major categories ang inaabangan. Ang MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR na paglalabanan nina Daniel Padilla , (Mabagal | Star Music) ,Garrett Bolden – (Handa Na Maghintay | GMA Music), Gloc 9 (Dungaw | Aristotle Pollisco Music), Janno Gibbs (Walang Kupas | Viva Records), John Rendez (Think About It | Star Music),(Sam Mangubat – Ikaw At Ikaw Pa Rin | Star Music), TJ Monterde (Karera | PolyEast Records). Sa FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR naman ang mga nominado ay sina Aicelle Santos ( Bakit Siya | GMA Music),

Julie Anne San Jose ( Nobela | Universal Records) ,Kuh Ledesma (Sama-Sama sa Pasko | Bravo Records), KZ Tandingan (Halik sa Hangin | Star Music) ,(Moira dela Torre – Mabagal | Star Music), Regine Velasquez ( I am Beautiful | Vehnee Saturno Music Corp. ) Sarah Geronimo ,(Ang Tangi Kong Pangarap | Viva Records).

Dahil sa pandemya first time na magkakaroon ng virtual awards night ang PMPC Star Awards for Music. Hangad na lamang ng club na mairaos ito at maibigay ang karangalan sa mga karapat dapat na manalo.

ROLDAN CASTRO: Kami ang namumuno nu’ng 2009 sa PMPC nang isinilang ang Star Awards for Music.

Bilang ama ng parangal na ito, excited kami na mairaos ito sa gitna ng pandemya. Bilang presidente ulit ng club, challenging para sa amin an gaming administrasyon. Pero seryoso kaming maibigay ang mga dapat parangalan sa larangan ng musika.

Narito ang mga baguhan na maglaban-laban sa kategoryang

NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR :Bryan Chong – Pakiusap | GMA Music ,Jem Macatuno – Can’t Get Out | Star Music, Jeric Gonzales – Taksil | GMA Music, KD Estrada – One of Many | Star Music , Kyle Raphael – Buwan ng Mayo | Viva Records, Lance Busa – Kapit Lang | Star Music, Lucas Garcia – Because You Believed | Star Music: NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR :AC Bonifacio – Slide into my DM | Ivory Music and Video Inc. ,Ashtine – Sabihin Mo Na | Viva Records, Eamarie Gilayo – Ikaw at Linggo | Star Music , Princess Sevillena – Walang Kasing Ikaw | Star Music, Sachzna Laparan – Miss Flawless | Ex Battallion Music and Frontrow International, Trishia Denise – Kapag Ako Ay Nagmahal | Star Music at Zephanie – Pangarap Kong Pangarap Mo | Star Music

Abangan kung kailan gaganapin ang Star Awards for Movies, TV at Music ngayong taong ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.