Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah sinita ni Matteo sa swimsuit

0 545

Ang daming rebelasyon sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo habang nagbe-bake sila ng banana cake ni Sarah Geronimo.

Panay kasi ang kwentuhan nila at siyempre, halos kabuuan ng usapan ay ang marriage ni Popstar with Matteo Guidicelli.

Pagbubuking ni Dra. Vicki,between Sarah and Matteo, si mister daw ang mas romantic.

“Di ba, usually, tayong mga girls ang romantic, ganyan-ganyan. Sa kanila, ang nakikita ko, si Matteo ang sobrang dikit nang dikit kay Sarah,” kwento ni Dra. Vicki na good friends noon pa sa mag-asawa.

Sey naman ni Sarah, season-season din daw pero talaga raw sweet si Matteo at clingy-type hindi lang naman sa kanya kungdi sa lahat ng kaibigan nito.

Ibinuking din ni Dra. Vicki na conservative si Matt dahil sinita raw nito ang swimsuit ni Sarah na super-conservative na nga dahil shorts lang ito at hindi naman bikini.

“Sabi ni Matteo, ‘ah, medyo masyadong bold ‘yan,’” natatawang kwento ng celebrity doctor.
@@@
Guidicelli 2 beses inalok ng kasal si Geronimo

At one point ay natanong ni Vicki si Sarah tungkol sa maraming beses na proposal ni Matteo at kinumpirma naman ni Popstar na dalawang beses daw.

“Once (the first time) po, kami lang po ang nakakaalam saka family niya, and then, the second time, with his ano na po, with his relatives. Parang paalam lang sa kanila,” pagbabahagi ni Sarah.

Sa Italy raw naganap ang first proposal na natatandaan nga namin ay ito talaga ang spekulasyon ng mga fans nila noon matapos nilang dumating mula sa bakasyon.

Pero sobrang bilib si Dra. Vicki sa pag-aalagang ginagawa ni Matteo kay Sarah at naiinggit nga raw siya dahil hindi raw ganu’n kaalaga sa kanya ang asawang si Hayden Kho. Inaway pa raw niya ang mister dahil dito.

Sa darating na Pebrero, 2021 ay ipagdiriwang na nina Sarah at Matteo ang kanilang first wedding anniversary. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.