Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah suko kay Mommy Divine

0 324

NI: ARCHIE LIAO

Nag-trending ang ginawang pagbati ni Sarah Geronimo sa kanyang amang si Delfin sa kaarawan nito.

Sa nasabing post, tinawag niya ang amang kanyang “habambuhay.”

May mga na-touch na netizens sa kanyang post at sinabing nami-miss ng singer-actress ang kanyang daddy.

SM food to go Banner Ad

Patunay daw itong “Daddy’s girl” ang Viva artist.

May mga nang-iintriga ring paramdam din daw ito ng Popstar Royalty para magkabati sila ng inang si Mommy Divine. Suko na raw siya sa kanyang ina at gusto na niya umanong lumambot na ito.

May mga ilan namang nagdududa kung ang naturang post ay galing sa aktres o sa taong nagha-handle ng kanyang social media account.

Bagamat binati na ni Sarah ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa naging virtual concert nila ni Matteo Guidicelli noon, nasa guessing game pa rin kung nagkaroon na ba talaga ng closure ang feud nilang mag-ina. Nagsimula ito nang tinangka niyang ilihim ang kasal sa esposo noong Pebrero. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.