Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah suko na sa giyera

0 168

NI: VINIA VIVAR

Nilinaw ng kapatid ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah na sa kanilang nanay siya talaga may conflict and not with her sister.

Sa exclusive interview kay Sarah digital news and media site na kami.com, sinabi niyang eversince ay naging mabait daw sa kanya si Pia at nag-apologize sa kanyang ginawang paglalabas ng galit sa kapatid sa social media.

“Pia’s actually always been nice to me. I just get angry with her because it doesn’t work on my mom, so nalalabas ko kay Pia ng wala sa lugar minsan. I’ve apologized and I know how much I hurt her with my comments,” ang pahayag ni Sarah as quoted by the said news portal.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa kapatid ni Pia ay ayaw na raw niyang palakihin pa ang issue dahil sila lang ng kapatid ang magsa-suffer.

“Pag pinalaki ko pa ‘to, kami lang ni Pia ang mahihirapan,” sey pa ni Sarah.

Well, as it is ay napakalaki na ng isyung ito pero maganda rin namang gesture on Sarah’s part na nag-apologize siya sa pagkakamali. ‘Yun nga lang, the harm has been done at nagdulot ng hindi magandang imahe sa kapatid ang mga matitinding rant niya sa kapatid na ipinost niya sa kanyang Instagram.

Ito na nga ‘yung laging nire-remind sa mga social media users na “think before you click” at pag galit ay wag magpo-post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.