Abante Tonite Interactive

Sarah sumuko sa basher, takot nang umiyak

4,188

Back to normal na si Sarah Geronimo dahil nagawa na niyang gawing biro ang kontrobersiyal na breakdown moment niya sa show niya kamakailan sa Las Vegas.

Sa show ng Popstar Princess sa Chicago ay naaliw ang audience sa kanyang spiel.

Sey ni Sarah, “Siyempre, lahat po tayo, may battles sa buhay. Nagpatong-patong na po (‘yung sa akin).

“Pero wala pong iyakan nga­yon. Bawal. Pa­ngit. Nanu-news tayo, eh! Naba-bash tayo masyado. Huwag nang ganu’n.

“Akala nila, nag-iinarte ako dahil ibinigay na nga sa akin ‘to, mag-iinarte pa ako? Mawawala din ‘to, ‘no? So, hanggang meron, go lang, ‘di ba?

“Ipon tayo. Trenta na! Ha! Ha! Ha! Okey. Hindi, kaila­ngan po talaga tuluy-tuloy lang,” ang natatawang sabi ni Sarah sa audience, tapos ay nakanta na niya nang maayos at naibirit ang Forever’s Not Enough.

Kahapon (May 6) ang last show sa This 15 Me US tour ni Sarah sa New York.

Samantala, si Morissette Amon ay nag-deny na rin hinggil sa isyung pinagtawanan nila ni Angeline Quinto ang breakdown ni Sarah.

Ayon kay Morissette, nagulat siya kung bakit sila dinadamay ni Angeline at ginagawan pa ng kuwento.

Nalungkot siya na marami agad naniwala sa isyu kahit wala namang ebidensiya. Aniya, malinis ang konsensiya niya na wala siyang ginagawang ganu’n.

Sey pa ni Mori, alam niya ang nararamdaman ni Sarah dahil nararanasan niya ring mapagod sa trabaho.

Bukod sa idol ni Morissette si Sarah ay naging coach pa niya ito sa The Voice of the Philippines kaya imposible raw na magawa niya kay Sarah ang ibinibintang sa kanya.