Abante Tonite Interactive

Sarah todo-paseksi sa Palawan kahit buntis na

118

KAHIT buntis ay ayaw pa ring paawat ni Sa­rah Lahbati sa pagpapa-sexy, at makikita ‘yon sa kanyang Instagram wall kung saan nakasuot ng bathing suit ang dyowa ni Ric­hard Gutierrez habang nakaupo sa buhanginan sa Palawan.

Naka-profile angle si Sarah sa shot kaya kitang-kita na ang malaking umbok ng kanyang tiyan.

Pero, feeling sexy pa rin ang aktres kahit na nga natatakpan na ng kanyang malaking tummy ang dating pamatay na kurba ng kanyang alindog.

Walang anumang mahabang caption si Sarah sa photo niyang ito kundi ang kung ilang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.

“#17weeks,” sey lang ni Sarah.

Isa si Sarah sa mga Pinay celebrities na naniniwala sa kasabihang ‘Preggy is beauty’ at hindi nahihiyang ipangalandakan ang kanilang ipinagbubuntis kahit naka-bathing suit pa sila.

Ang isa pa ay si Bangs Garcia na kailan lang ay nag-2-piece at kinunan ang sarili at pinoste sa kanyang IG wall. Ipinakita ng sexy actress na kahit ma­laki na ang kanyang tiyan, sexy pa rin siya.

Pauleen goodbye showbiz na

NAG-GOODBYE na sa showbiz si Pauleen Luna-Sotto, kaya hindi na siya mapapanood sa Eat Bulaga. Ang kanyang panganganak nga ang pinaghahandaan niya.

Ngayong November naka-sche­dule ang delivery ni Pauleen sa unang baby nila ni Vic Sotto na isang babae.

Medyo hirap na rin si Pauleen sa mga pagkilos niya kaya naman nais niyang mag-rest para may lakas siyang mag-deliver ng kanyang baby.

Next year na ang balik ni Pauleen sa Eat Bulaga. Sa interview ay sinabi niyang magpu-focus muna siya sa pag-aalaga ng kanilang anak at magpapayat bago siya bumalik sa showbiz.

Anyways inulan ng maraming gifts si Pauleen nung Sabado sa Eat Bulaga, na halos lahat ay para sa kanyang baby.

“Thank you Eat Bulaga for your gifts, Love and Support for our little girl.  I’m starting my maternity leave and will rest for the arrival of our baby.  See you again next year, dabarkads!

Please pray for me with me for a smooth, easy and fast delivery! Thank you again and see you soon,” sey ni Pauleen.

Tiyak na magiging special ang Pasko nina Vic at Pauleen dahil sa pagdating ng angel sa kanilang buhay.