Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah type nang magka-baby

0 184

NI:ARCHIE LIAO

Trending ang isang video na ibinahagi ng isang isgfan sa Instagram. Magiliw kasing karga-karga ni Sarah Geronimo ang isang baby na nagngangalang Baby Jac.

Kahit ang magulang ng bata ay kampante sa pag-aaruga ng Popstar Royalty.

Maraming Popsters ang nagbunyi sa nasabing video. Pagkalong pa lang daw ng bata ni Sarah ay nakikita na nila ang excitement nito na magkaroon din ng sarili nilang baby ni Matteo Guidicelli.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit pa nila, ang pag-aalaga ni Sarah kay Baby J ay senyales na rin na naghahanda na ito na maging mom .

Ang naturang video clip ay kuha sa birthday party na dinaluhan nila.

Umani rin ng samu’t saring reaksyon ang video ni Sarah.Marami ang nag-wish na sana ay magkaroon na rin ng sariling baby ang mag-asawa.

Hirit naman ng ilan, sigurado raw na magiging cute din ang anak ng showbiz couple dahil maganda ang lahi ng kanyang esposo.

Naniniwala rin silang ang baby nila ang magiging tulay para tuluyan na silang magkabati ng kanyang inang si Mommy Divine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.