Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Vice, Jericho yayamanin na galing sa hirap

0 77

ROMMEL PLACENTE: Maraming mga artista ang nagsimula sa wala. Kumbaga,mga mahihirap na yumaman lang mula nang pasukin ang showbiz at sumikat.

Isa na nga rito si Vice Ganda.Nagtitinda lang siya rati ng basahan at ang kanyang pamilya sa Tondo.

Pero dahil hindi ‘yun sapat, at ang nanay niya lang ang bumubuhay sa kanila,patay na ang kanyang ama,kaya nangibang bansa ito. Nagtrabaho ito bilang isang caregiver.Pero ngayon,milyonarya na si Vice.From rags to riches ang drama niya.Dahil sa husay niya sa pagiging isang komedyante,yun ang nagpabago ng buhay nila.

Si Jericho Rosales, noong kanyang kabataan ay nagtitinda ng isda sa palengke,naglalako ng ice buko, nagbebenta ng tanso at dyaryo sa junkshops para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.Sumali siya rati sa Mr.Pogi ng Eat Bulaga.Sinuwerte na siya at nakuha ang titulo.Naging dahilan at daan ‘yun para pasukin niya ang showbiz At ngayon nga,gaya ni Vice, ay isa na ring milyonaryo si Jericho mula nu’ng sumikat. Nagkasunod-sunod kasi ang mga serye at pelikulang ginawa niya.Plus product endorsements.

MILDRED A. BACUD:Kung rags to richest talaga ang pag-uusapan sa totoong kahulugan nito, nangunguna sa akin si Manny Pacquiao. Ipinanganak sa Gen. Santos na sobrang hirap ng buhay. Naglayas ng murang edad dahil sa problema sa pamilya. Nakipagsapalaran sa Maynila. Humango ng panindang donuts saka binibenta.Nangalakal, natulog sa kalye na kariton lamang ang higaan. Dose anyos pa lamang ay sinabak na sa boksing. Pero nasaan na si Manny ngayon, isa na sa pinakamayaman na boksingero at isang Senador. Hindi na mabilang amg achievements pagdating sa boxing kaya naman tinaguriang People’s Champ. Hindi lang siya sa boxing naging successful maging sa politics. The only filipino boxer na naging Senador. Balita pa ngang tatakbo ng pagka- presidente by 2022.

Isa pa sa galing sa hirap talaga na milyonaryo na ngayon ay si Willie Revillame. Nagsimula bilang barker ng mga jeepney drivers nung bata pa. Mabuti na lamang at may talento sa pagda-drums kaya nu’ng nagbinata ay umekstra ekstra sa mga gig. Napadpad sa showbiz at naging drummer ni Gary Valenciano at nadikit kay Randy bilang ‘Hawi Boys.’ Ang layo na ng narating ng host ng Wowowin. May sariling yate, helicopter at nakakalulang yaman.

RODEL FERNANDO: Maraming artista ang dating mahirap na biglang yumaman at nagbago ang buhay. Isa na rito si Nora Aunor na dati lamang nagtitinda ng tubig sa tren ay tatanghaling Superstar ng Philippine Showbiz. Nagkamal ng maraming salapi sa pagiging singer at artista. Maraming naipundar noong kapanahunan niya .Kahit ngayon na sinasabing purdoy na ay hindi ito kapani-paniwala. Hanggang ngayon kasi ay ekta-ektarya pa rin ang mga lupain niya sa Bicol .Kung ipagbibili niya ang mga ito ay nakakalula sa sobrang laki ng halaga.

SM food to go Banner Ad

Tulad ni Nora na sumikat na singer, halos ganito rin ang naging kuwento ng buhay ni Regine Velasquez- Alcasid. Dahil sa pagkanta ay naiahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya. Ang dating mahirap lang ang buhay at nanghihiram lang ng damit at sapatos kapag sumasali sa mga singing contest ay isa na ngayong mayaman at milyonarya.

Isa pang singer na yumaman din nang husto mula sa kawalan ay si Sarah Geronimo. Dahil sa mga sinasalihang singing contest ay nakakatulong siya sa panggastos ng pamilya niya. Nagpursige siya at natupad niya ang pangarap na maging isang singer na nagpabago ng kanyang buhay. Ito ang naging daan upang mabigyan niya ng marangyang buhay ang kanyang pamilya.

ROLDAN CASTRO: Kahit ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ay dumaan din sa hirap bago yumaman.

Kamakailan ay kinuwento niya ‘yung nag-resign sa trabaho dati ang daddy niya para ‘yung perang makukuha at may pampalibing sila. Nagsimula ‘yan nang mamatay nanay niya. Dumidiskarte rin siya ng pamasahe dahil sa Laguna pa siya nanggagaling para sa mga audition. Malaking pera na para sa kanya pag nagkakaroon siya ng konting kita.

Pero ngayon isa na si Alden sa mayamang artista naton. May sariling Mc Donald at restaurant na. Magagara na ang sasakyan na dati’y sumakasakay lang sa MRT at sumasabay sa service para sa taping.

Sa buhay natin laging bilog ang mundo, minsan ay nasa ibaba pero ‘di mo namamalayan nasa tuktok ka na pala ng tagumpay. Ang mahalaga talaga ay sipag,diskarte, dagdagan ng dasal at ‘wag manloko ng kapwa patungo sa magandang buhay.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.