Abante Tonite Interactive

Sarah, walang takot sa pole dancing

By
65

HAVEY: “Sarah G is such a natural on the pole!!!”

Iyan ang sabi ni Cia­ra Sotto sa kanyang post pagkatapos nilang mag-pole dancing session kasama si Teacher Georcelle ng G-Force.

“Humbhaaaam! She was fearless. She did it!!!” ang lubus-lubos na papuri ni Teacher Georcelle kay Sarah Geronimo na wala nang takot at inhibitions sa kanyang buhay, career at pag-ibig na labis na ikinatutuwa ng mga tao.

At bilang performer, matagal nang mahusay gumiling at sumayaw si Sarah, ngayo’y nag-aaral pa siya para mapahusay pa ang kanyang paggalaw sa stage at para na rin sa kanyang health at pagi­ging fit.

Balita nami’y nasa ibang bansa lang si KC Concepcion ngayon pero pagbalik nito ay plano niyang sumama sa pole dancing sessions kasama ang kanyang pinsan na si Ciara at kaibigang si Sarah G.

***

WALEY: Sa pag-iikot namin sa Estados Unidos, natisod namin ang isang balita ukol sa isa sa ating mga singer-performers noon na bidang bida sa isang sikat na grupo ang nakita ng ating kababa­yan sa isang spa sa Los Angeles.

Hindi lang nilinaw sa akin kung therapist — pero malamang daw ay receptionist siya sa isang spa sa L.A. at nandoon siya lagi sa frontdesk.

Sarah, Teacher Georcelle at Ciara
Sarah, Teacher Georcelle at Ciara

Kahit medyo malayo ang buhay niya sa LA kaysa noong kasikatan niya sa Maynila o noong panahon na paborito pa siya ng mga kataas-taasang tao sa Brunei, kakaiba ang trabaho na ito na pinasukan ng babaeng ito.

Walang masama na magtrabaho sa spa, sabi ko sa informant ko. Basta ba magaling siya sa trabaho at wala siyang tinatapakang tao sa ginagawa niya, OK lang ‘yun!

Hindi siguro ikakagulat ‘yun ng mga nakarelasyon niyang singer din at host na may sariling buhay.

Oh well, malaki na rin ang inilayo ng buhay ng singer-performer na ito. Mula sa pagiging batang Tondo hanggang sa ma­ging spa worker sa L.A., long way to go!!!

***

WEHHHHH: Happy birthday sa dalawang kaibigan ko na halos kapatid na ang turing ko noon pa man!

Maligayang Fresh na Pagtanda — Agot Isidro (na hindi mo aakalaing 50 na!) at Raymart Santiago na pa-yummy nang pa-yummy habang nagkaka edad.

Ganito yata kung maligaya sa buhay, ‘di ba? Sana, pareho sina Agot at Raymart na makahanap ng kani-kanyang bagong pag-ibig.

Biro ko sa kanila, bakit hindi kaya sila na lang sa huli? Sabi nila pareho, Kabarkada at pamil­ya tayo, di ba?

Ganu’n lang ‘yun!

Siya nga naman! Hahaha!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.