Abante Tonite Interactive

Sarah yumuko sa kapatid ni Matteo

931

Viral ngayon sa internet ang mga video nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang nasa kasal ng kapatid ng aktor na si Georgia. Ginanap ito sa Lahug, Cebu City last Sunday.

Isa sa maid of honors si Sarah sa nasabing wedding. Pinuri-puri naman ng mga netizen ang pagiging close ng Popstar Royalty sa pamilya ni Matteo.

Isa pang agaw-pansin ay ang kasimplehan ni Sarah sa kanyang yellow gown with minimal jewelries at naka-braid lang ang buhok. Na kahit nga simple lang daw ang ayos ay standout pa rin sa lahat ng naroroon.

Napakagandang tingnan nina Matteo at Sarah sa mga video at talaga namang kinilig nang husto ang AshMatt fans. Panay ang hawak ng aktor sa beywang ng fiancée at makikita ring napaka-attentive niya at laging naka-alalay kay Sarah.

Isa rin sa nakaw-eksena ay ang pag-aayos ni Sarah ng mahabang gown ni Georgia sa sahig. Yumuko pa talaga si Popstar para ayusin ito. Komento ng fans, napaka-humble raw talaga ng kanilang idolo.

May mga video din sina Sarah at Matteo habang sweet na sweet na kumakanta para sa newlyweds at sa mga bisita. In one video ay tinutugtog ang fast song ni Popstar na “Tala” at makikitang bigay-todo siya sa pagsasayaw. This is also a proof na talagang at home na at home na siya sa pamilya ng fiancé.

Ngayong tapos na ang kasal ng kapatid ni Matteo, siyempre, sino pa ba ang susunod kundi sila na ni Sarah? At ito ang inaabangan ng lahat ngayon. Next year na kaya ito? (Vinia Vivar)