Abante Tonite Interactive

Sarangani niyanig ng magnitude 5.6

197

NIYANIG ng magnitude 5.6 na lindol ang ilang bayan ng Sarangani kahapon nang umaga.

Ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig bandang alas-7:07 Sabado nang umaga sa may 10 kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Alabel sa Saranggani.

Naramdaman ang pagyanig sa Koronadal City at sa Malungon, Sarangani habang naitala naman ang Intensity 4 sa Malapatan at Kiamba, Sarangani; General Santos City at Tupi, South Cotabato habang Intensity 3 sa Davao City; Glan, Sarangani; Tacurong City, Sultan Kudarat; Intensity 2 naman sa Kidapawan City; Makilala at Magpet, North Cotabato at Intensity 1 sa Cagayan De Oro City.

Samantala, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental, kahapon ng alas-tres nang madaling-araw. (Vick Aquino)