Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarangani resort pasaway sa protocol, pinasara

0 338

Kinumpirma ng alkalde sa Glan, Sarangani na ipinasara sa loob ng isang buwan ang isang sikat na beach resort and hotel sa kanilang bayan matapos ang umano’y dalawang beses na mass gathering sa lugar.

Ayon kay Glan Mayor Vivien Yap nitong Huwebes, inutos niya ang pansamantalang pagsasara ng Anvy Resort Hotel na matatagpuan sa white sand beach sa Brgy. Taluya, dahil sa paglabag sa community quarantine protocol.

Dalawang beses aniyang nag-host ng event ang resort, pinakahuli noong Hulyo 1, kung saan higit sa 50% capacity ang mga tao.

Ayon kay Yap, sarado ang resort hanggang Agosto 8 at isasailalim sa 14 na araw ng quarantine lahat ng empleyado nito.

Samantala, tiniyak naman ni Mohammad Aquia, may-ari ng resort, na gagawin nila lahat para makasunod sa mga regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaang lokal. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.