Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento, 8 pa swak sa murder ng Palawan abogado

0 141

Sinampahan ng kasong murder ang siyam na suspek kabilang ang isang pulis at negosyante na sangkot sa pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit sa Narra, Palawan.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sa Palawan Provincial Prosecutors Office sina Police Master Sgt. Ariel Pareja; Jazer Del Rosario; Marcelino Quiovo, negosyante, at anim na iba pa.

Sideline umano ni Pareja ang pagiging bodyguard sa negosyanteng si Quiovo na sangkot sa kaso ng land dispute, si Magcamit naman ang abogado ng kabilang partido. Bukod sa kasong murder ay nahaharap din sa kasong admisitratibo si Pareja dahil sa pagkakasangkot niya sa pamamaslang.

Matatandaang pinaslang ng riding-in-tandem si Magcamit nitong Nobyembre 17, habang sakay ng kanyang kotse. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.