Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento binaril mag-jowa sa Urdaneta

0 309

Himas rehas isang sundalo na namaril sa magkasintahan sa Barangay Bayaoas, Urdaneta City Martes ng gabi.

Kinilala ng Urdaneta City Police ang suspek na si Sgt. Nicho Argos, aktibong miyembro ng Philippine Army.

Nagsimula ang insidente nang ayain umano ni Argos si Celine Fernandez, 20 para mamasyal, pero dinala ito sa isang apartel na tinanggihan ng dalaga.

Tinawagan ni Fernandez ang boyfriend nito na si Fernando Manzano, 28, na agad dumating sa lugar at kinompronta ang suspek na nauwi sa pamamaril nito.

Sapol ng bala ang magkasintahan sa binti.

Agad namang inaresto ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.