Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento dinale ng `Basag Kotse’

0 94

Isang pulis sa Nueva Ecija ang nabuwena-mano sa `Basag Kotse’ gang sa lalawigan sa pagpasok ng taong 2021.

Sa ulat ni PLt. Col. Barnard Danie Dasugo, nakilala ang biktima na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Rhys Christian Maducdoc Hernandez, 41, nakatalaga sa Sto. Domingo NE Police Station, taga-Maharlika Highway, Mulawin St., Brgy. Bitas, Cabanatuan City.

Ala-1:30 ng hapon noong Enero 1 nang matuklasang pinagnakawan ang sasakyang Subaru Forester may plakang NAP-5489 ng pulis.

Kabilang umano sa natangay ang sling bag na naglalaman ng Glock9mm pistol na may serial number EPY390 at P95K cash sa loob ng sasakyan.

May kasama pa umanong mga personal na gamit ang nakulimbat at kasalukyang nangangalap ng CCTV footage ang mga imbestigador ni Dasugo. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.