Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento nilikida 2 kabaro

0 222

Patay ang dalawang sundalo kasunod ng pag-aamok ng isa nilang kasamahan habang nasa loob ng military camp sa Tagum City, Davao del Norte nitong Martes.

Isa naman ang sugatan sa insidente.

Sa report, sinabi ng Philippine Army 10th Infantry Division public affairs office, sumigaw ang suspek na si Staff Sgt. Arvin Bureros ng mga katagang “taposon na nato ni” o “tapusin na natin ito” sa kanyang mga naging biktima bago niya barilin ang mga ito gamit ang R4.

SM food to go Banner Ad

Nasa kiosk ang mga sundalo sa loob ng kampo nila sa Brgy. San Agustin.

Sinabi naman ng mga nakakita na nag-uusap lang ang mga biktima bago ang nang­yaring insidente.

Kinilala ang mga tinamaan na sina Maj. Franklyn Embat at Technical Sgt. Sandato Tuma. Pipigilan sana ni Maj. Mineheart Ma­liawao si Bureros, pero nabaril din siya at nasu­gatan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.