Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento nilikida ng tandem

0 242

Tinambangan ng mga hindi nakilalang salarin ang isang pulis na sakay ng motorsiklo sa Cabuyao City, Laguna nitong Huwebes ng umaga.

Dead on the spot si PSSg Christian Ramos, taga-Calaca, Batangas at nakatalaga sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) office ng Calabarzon Police sa Camp Vicente Lim sa Calamba City.

Patungo sa Brgy. Casili ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay din ng kasunod na motorsiklo sa Yulo road, sa Brgy. Pittland.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng 9mm at tatlong basyo ng kalibre .45.

Ayon kay PMSg. Marvin John Mangahis, isa sa mga imbestigador ng kaso, wala silang narekober na baril sa nakaunipormeng pulis. Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.