Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento pinaulanan ng bala

0 53

Nasawi ang isang miyembro ng Philippine Na­tional Police (PNP) matapos tambangan at barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si P/Staff Sgt. Aldrin Allam, nakatalaga sa Lal-lo Police Station, residente ng Brgy. Cabbo, Peñablanca ng nasabing lalawigan.

Sa report ng Tuguegarao City Police Station (TCPS), nangyari ang pamamaril alas-5:51 ng hapon sa kalsada ng Brgy. Carig Sur.

Sa inisyal na report, bago ang insidente, nagma­maneho ang biktima ng kanyang Toyota Vios na may plakang NOS-462, at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek sakay ng isang kulay abo na van na walang plaka.

Nang matapatan ang pulis ay agad itong pinag­babaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos.

Dead-on-the spot si Allam dahil sa grabeng tama na mga bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na ang imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang pumatay sa pulis at kung ano ang motibo nito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.