Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento swak sa karnap SUV

0 327

Posibleng mabilanggo ng 20 hanggang 30 taon ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na maaresto sa pagmamaneho ng nakaw na sport utility vehicle (SUV) sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4136 o Unauthorized use of Improvised Plate at PD 1612 o Anti-Fencing Law ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Danilo Ragonot Pacurib, nakatalaga sa Quezon City Police District Payatas Police Station 13.

SM food to go Banner Ad

Nagsasagawa umano ng anti-carnapping operation ang mga awtoridad sa kanto ng Commonwealth Avenue at Camaro Street nang mamataan at parahin si Pacurib na sakay ng phantom black na Hyundai Sta Feic dahil sa paglabag sa improvised plate.

Subalit nang beripikahin, natuklasan na ang minamanehong sasakyan ng pulis ay kabilang sa mga nakaalarmang sasakyan sa Highway Patrol Group, at pinalitan lamang umano ang plaka nito.

Ang nasabing sasakyan ay nakarehistro na pag-aari ng Universal LMS Finance Corp. at inupahan lamang mula sa Areza Motor Sales. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.