Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarhento timbog sa bentahan ng shabu

0 276

Timbog ang isang aktibong pulis sa anti-illegal drug operation sa Tanauan City noong Martes ng hapon.

Inaresto ng mga tauhan ng Tanauan police, Regional Special Operation Unit ng PRO4A, Batangas PIB at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng PNP ang suspek na si PSSG Erwin Millar sa buy-bust operation sa Barangay Talaga alas-4:45 ng hapon.

Batay sa report, ang suspek na nakatalaga Talisay, Batangas police station ay dumating sa lugar sakay ng kanyang kotse matapos kontakin ng isang operatiba na umaktong poseur buyer.

Matapos makabili ng isang sachet ng shabu, hindi na nakapalag ang pulis nang posasan ng kanyang mga kabaro.

Narekober pa sa kotse nito ang limang sachet ng shabu at service fire arm nito.

Nakakulong na ito sa Tanauan City police station custodial facility at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.