Abante Tonite Interactive

Sarili sa loob ng kabaong

496

Dear Dreamcatcher,
Ang panaginip ko ay kabaong tapos sa kabaong nandun ako. Ano po kaya ang interpretasyon o ibig sabihin nun?
Arianne

Arianne,
Sa pangkalahatan, ang kabaong o ataul ay sumisimbolo sa kamatayan pero pagda­ting sa panaginip, ang kamatayan ay simbolo lamang ng pagtatapos at ng isang bagong pagsisimula. Habang ang kabaong ay sumisimbolo sa sinapupunan (womb).

Hindi naman nakakapagtakang pagkatakot ang nararamdaman natin kapag sa ating panaginip ay nakita natin ang ating sarili. At kadalasan, nag-iisip tayo kung ito kaya ay isang omen o pangi­tain na nalalapit na ang ating kamatayan. Pero walang dapat ipangamba dahil ang iyong panaginip ay hindi isang pahiwatig ng iyong kamatayan. Kailangang maging malinaw sa atin na walang kaugnayan sa pagkamatay ang iyong panaginip.

Sa halip, maaaring nagkaroon ka lamang ng ganitong panaginip kung sa aktuwal na buhay ay nararamdaman mong natatabunan ka na ng napakaraming problema o kung masyado ka nang nalulunod sa araw-araw na stress ng buhay.

Related Posts

Maaari rin na ang kabaong ay simbolo sa isang bahagi ng iyong buhay na dapat nang patayin, halimbawa ay isang relasyon na hindi na nagwo-work at nagpapahirap na lamang sa iyo. Maaaring ipinapaalala ng iyong subconscious na unhealthy na ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon at kailangan mo nang kumawala. Maaaring ito ang sinisimbolo para sa iyo na nakita mo ang sarili mo sa loob ng kabaong. Rebisahing mabuti ang iyong aktuwal na kalagayan kung ikaw ba’y nasa isang masalimuot na sitwasyon kung saan nasasakal ka na, nahihirapan at talagang kailangan mo na ng isang malakihang pagbabago, dito mo maikokonek ang iyong panaginip.

Puwede rin namang magdulot ng ganitong uri ng panaginip kung may kamatayang nangyari sa iyong paligid dahil ang kamatayan na iyong nasaksihan ay nagpapaalala sa ating mortality, na isang araw ay dito rin tayo hahantong.

Sa kabuuan, walang dapat katakutan sa iyong panaginip. Tandaan na lahat tayo ay sa kamatayan hahantong, walang exemption. Kaya naman habang may buhay pa, gamitin ang bawat araw para ma-enjoy mo ang buhay nang walang sinasagasaang sinuman.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.