Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sariling bakuna ng LGU aprub sa Palasyo

0 230

Hindi pinipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na bumili ng bakuna laban sa COVID-19 subalit kailangan lamang na makipa-ugnayan ang mga ito sa Food and Drug Administration (FDA).

Nilinaw ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo matapos na bumisita sa Jolo, Sulu nitong Biyernes. Naroon din si Sulu Governor Abdulsakur Tan.

“Now, let me be very clear. Doon sa mga local governments, Sakur, wala akong objection kung magbili ang local government para iturok doon sa mga tao. Okay ‘yan. Walang inggitan ‘to, puro tayo gobyerno,” sabi ng Pangulo.

“Ang akin lang is that kung ano man ang i-ano ninyo, i-vaccinate, just clear it with the FDA. Lahat naman dumadaan talaga diyan eh. So it’s a mandatory requirement. Other than that, I have nothing to do. That’s a requirement of law, sunod lang tayo,” ayon sa Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.