Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saripisyo ni Diaz may pupuntahan

0 186

“Kung wala sila baka sumuko na ko” ito ang panimula ni 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa kanyang Team HD na laging umaagapay sa kanya.

Pinasalamatan Biyernes ng 29-anyos, may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City national athlete sa kanyang Instagram post, ang dalawa niyang coaches sa Team HD na kasama niyang na-lockdown sa Malaysia sapul noong Marso.

SM food to go Banner Ad

“’Di ko masu-survive ang lockdown dito sa Malaysia kung wala sila. Baka sumuko na lang ako, ‘di naging madali ang taon na ito pero naging medyo dahil magaan tinulungan at ‘di nila ako iniwan sa alanganing situation.”

Pinanapos niyang lahat ng sakripisyo nila’y may patutungahan din at maabot ang mangarap ng team na mag-qualify at Manalo siya ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ngHulyo 2021 dahil sa Covid-19. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.