Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarno, 3 pa titiba sa mga pabuya

0 142

Ikinatuwa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang produktibong kampanya at pagwawagi ng mga medalya ng national weightlifting team sa ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Ayon sa opisyal Biyernes, nagbunga ang pagbibigay-tulong at suporta ng ahensiya kasama ang Olympic standard na mga equipment na ipinadala sa Cebu, Bohol, at Zamboanga.

“Rest assured that the PH weightlifting team especially Kristel Macrohon, Elreen Ando and Vanessa Sarno can now be assured of all out support for their preparations in future international competitions,” dagdag niya.

Hinirit pa ni Ramirez na may insentibo ang Asian level event winners na P500K sa gold, P250K sa silver at P150 sa bronze medalists. Nag-gold si Sarno, silver sina Ando at bronze si Macrohon.

Magkakaloob din ang Zamboanga City ng P.3M kay Mary Flor Diaz na nagsilver at P.2M kay Macrohon.

Hindi pa lang klaro kung susundin ang total lift lang ng bawat barbelista para sa medal winners o kung isasama rin ang snatch at clean and jerk para sa katumbas na mga biyaya. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.