Abante Tonite Interactive

Sasakyan ng barangay pinaulanan ng bala

360

Pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang sasakyan ng barangay kahapon nang madaling-araw sa Muntinlupa City.

Sa report ng Muntinlupa City Police, alas-4:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Marina Heights Avenue, Brgy. Sucat ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, habang nagkakape ang mga tanod na sina Roger Oliva Jr; Tauton Francisco Jr. at Florencio Dabu sa waiting shed nang biglang paulanan ng bala ng hindi kilalang salarin ang service car ng barangay.

Nabatid na ang mga suspek ay sakay ng isang kulay itim na Starex na walang plaka at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Mabuti na lamang at walang nadisgrasya sa pamamaril maliban sa basag ang salamin ng sasakyan sanhi ng maraming tama ng bala.

Sa ngayon ay iniimbes­tigahan ng pulisya ang pamamaril at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (Armida Rico)