Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso tumira ng 71 sa opening

0 274

Nagsalpak ng tatlong birdie laban sa isang bogey sa front nine, at may isa pa sa 12th hole si Yuka Saso para tapusin ang ¥120M (P52M) 14th World Ladies Championship Salonpas Cup 2021 opening round sa one-under par 71 ( 34-37), kasama sa 16-way tie sa 15th spot sa East Course ng Ibaraki Golf Club sa Ibaraki Prefecture Huwebes.

Five shots down ang top Philippine pro kay solo leader local bet Ritsuko Ryu na may seven birdies at one bogey sa six-under 66 (33-33) na tinirada pa-one stroke up sa kalahing si Momoko Osato (67) kasunod ang dalawang may identical 68 na mga Nippon din.

May 132 players ang kalahok sa four-day, 7-2-hole event na may ¥24M (P10.5M) top purse at nagsisilbing 24th leg ng 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour (LPGAT) 2020-21 kung saan pakay ng 19-year-old Pinay-Japanese ang third crown. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.