Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso 2 ang misyon sa US Open

0 170

Higitan ang kanyang seven-way tie sa 13th spot noong December 2020 kaakibat ang biyayang $96,800 (₱4.6M), o ang best-finish solo fourth place ng isang Philippine bet na itinala ni Jennifer Rosales noong July 2004 na may $145,547 (P6.9M) cash prize.

Ito ang mga misyon ni Yuka Saso kapag humamblos na ang 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship 2021 sa The Olympic Club sa San Francisco, California sa June 3-6 (Hunyo 4-7 sa Maynila).

Mag-isang pambato lang ng ‘Pinas ang 19-anyos na Pinay-Japanese shotmaker na isinilang sa San Ildefondo, Bulacan para sa 72-hole stroke play, four-day golfest, ang isa sa limang world major ng LPGA Tour.

Tumabla sa tatlo-katao sa ikaanim na puwesto sa una niyang LPGAT majors sa taong ito sa Lotte Championship sa Hawaii sa sponsor’s exemption nitong April si Saso at nagrasyahan ng $54,848 (P2.5M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.