Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, 2 pa salo sa 65th

0 98

Nagsalpak sina 2020 Tokyo Olympic-bound Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, at ICTSI teammate Dottie Ardina ng even par 71 sa pag-uumpisa ng 72nd Symetra Tour 2021 17th leg $2M (P99M) 36th Marathon Classic sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Ang senaryo ay nagposisyon sa tatlong Philippine bet sa ika-65 puwesto kasama ang 18 iba, 10 shots behind kay first-round leader Nasa Hataoka ng Japan na pasabog ng 10 birdie para sa 61, apat na palo ang agwat kay hometown bet Lauren Stephenson (65).

Samantala, even-par 71 din si US-based Pinay Clarissmon ‘Clariss’ Guce upang mapabilang sa 20-way tie para sa 32nd spot pagbubukas din sa parehas na araw ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M) 4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana.

Four shot lang ang layo niya kay clubhouse leader home bet Beth Wu na may 67 at abante ng isang palo sa tatlong sumusunod sa kanya sa hindi na tapos na opener sanhi ng malakas na ulan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.