Abante Tonite Interactive

Saso, 2 pa titirada ng Tokyo Olympics slot

221

Tatlong Pilipinong golfer ang unti-unting kumakatok sa mga pinagla­labang silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Ito ay matapos na umakyat ang national athlete na si Miguel Luis Tabuena sa ika-59 sa listahan sa pinakahuling inilabas na Olympic golf ranking o gapore Open sa nakalipas na linggo upang manatili sa kontensyon sa pangalawang niyang sunod na stint sa quadrennial sportsfest.

Tumapos si Tabuena ng triple-tie sa eight place na may kaakibat na US$21,667 (P1.1M) sa 275 aggregate sa Singapore golfest sa likod 68, 65, 66 at 76 sa 110-man world class field na pinanalunan ni Matt Kucher ng United States.

Ang isa pang Pinoy na si Angelo Que tumapos na quintuple-tie sa 24th spot sa 281.

Ang top 60 men at top 60 women golfers na nasa OGR sa cut off date sa Hunyo ang mga magku-qualify sa Tokyo Olympics golf.

Ihahayag ang listahan ng mga qualifier sa katapusan ng Hunyo kabilang din ang mga player na nakapagkuwalipika sa ilalim ng mga hindi nagamit na quota place para sa mga rehiyon.

Sina Tabuena at Que ang mga nag-qualify para sa bansa sa 2016 Rio de Janeiro Olympics men’s golf. Pero ang una lang ang kumatawan para sa ‘Pinas sa pag-atras ni Que sa takot noon sa zika virus.

Nasa kontensiyon para sa Top 60 women sina Yuka Saso at Dottie Ardina na nasa 49th at 51st, ayon sa pagkakasunod. (Lito Oredo)