Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso 67 sinalpak, sosyo sa tersera

0 47

Nagsalpak si 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso nang magarang bogey-free na may four birdies, four-under par 67 (33-34) upang makibuhol sa six-way tie sa third spot sa pagsiklab ng 72nd Ladies Professional Golf Association 2021 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey simula Huwebes (Biyernes sa Manila).

Pero nakaungos sa tikas niya si Jin Young Ko ng South Korea na bumira ng eight-under 63 para sa three-shot lead kay German Sandra Gal sa 132-player, 72-hole stroke, four-day event na may top purse na $450K (P22.7M).

SM food to go Banner Ad

Ang isa pang pambato ng ‘Pinas at kakuwadra ni Saso sa ICTSI na si Dottie Ardina’y nakisawsaw naman sa pang-56 na posisyon kasama ang 20 iba pa sa pinasok na even par 71. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.