Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso 9th, P344K ang biyaya

0 208

Nagsalpak si Yuka Saso ng mga round na 72 at 68 para sa four-under par 140 total at humilera sa 11 para 9T spot sa tiklop ng napaigsing 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour 2020-21 27th leg, ¥70M (P30.8M) Hoken no Mado Ladies sa Chukyo Golf Club Ishino Course sa Toyota City, Aichi Prefecture Linggo.

1-2-3 sa event sa kinanselang first round dahil sa masamang panahon sina local bet Inami Mone (61-68-129, ¥9,450K), Momo Osato (67-68-135, ¥4,620K) at Ayaka Furue (69-67-136, ¥3,675K).

Sunod sa top Philippine pro Fil-Japanese na si Saso ang JLPGAT 28th leg ¥100M 29th Resort Trust Ladies sa St. Creek Golf Club sa Aichi Prefecture sa May 27-30. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.