Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso akyat sa liderato

0 146

Tigasing pumalo ng walang bogey na three-under-par 69 si Yuka saso upang mahablot ang solong liderato pagkapinid ng halfway mark ng ¥200M Nitori Ladies Golf Tournament sa Otaru Country Club sa Hokkaido, Japan nitong Biyernes ng hapon.

Kasama ang 67 nitong Huwebes, may tatlo pang kinanang birdie sa round two para sa 136 ang 19-year-old, San Ildefonso, Bulacan native upang mula sa pagkaiwan sa opener ng two strokes, nasolo ang itaas sa isang palong abante kay Japanese Hikaru Yoshimoto (68-1370.

Nakatuon ang reigning Asian Games queen sa magkasunod na titulo sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour Japan 2020 matapos magreyna sa second leg na 34th NEC Karuizawa 72 nitong Agosto 14-16.

Nasa tersera ang isa pang Nippon sa katauhan ni Oki Seira na pinantayan ang iskor ng Pinay rookie pro

patungo sa two-day aggregate 139. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.