Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso akyat sa world No. 5

0 52

Salto man sa second crown sa 72nd Ladies Professional Golf Association 2021 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey nitong Linggo, sumampa naman sa career-best world No. 5 ranking si Yuka Saso.

Lumundag ang 20-year-old Top Philippine pro mula sa Bulacan at reigning US Women’s Open champ ng dalawang baitang sa nilabas na latest rating Lunes kung saan may na 5.70 point average siya sa 222.37 total markers sa 39 events played, nilampasan sina Australian Minjee Lee (6th sa 5.54 ave. at 332.52 sa 60 events) at Japenese Nasa Hataoka (5.48 at 301.23, 55 events).

1-2-3 sina Olympic champ American Nelly Korda (9.39, 450.71, 45 games), Korean Jin Young Ko (9.10, 464.11, 51 contest) at compatriot Inbee Park (6.80, 353.51, 56 tournaments) habang running-fourth ang isa pang Koreanang si Seio Young Kim (6.33, 354.46, 56 tourneys).

Swak sa Magic 10 sina Kiwi Lydia Ko (5.28, 290.46 sa 55 laro), Canadian Brooke Henderson (5.18, 295.05 sa 55 games) at Korean Hyo Joo Kim (5.14, 277.63 sa 54 na paligsahan). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.