Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso angat sa round 3

0 53

Dinuplika ni 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso ang four-under par 67 sa opening upang manatiling nasa kontensiyon sa titulo ng 72nd Ladies Professional Golf Association 2021 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey Sabado (Linggo sa Manila).

Kasama ang 70 sa second round na naglagak sa kanya sa joint sixth place sa halfway mark at pasok sa last two round finals, umakyat ang 20-year-old Fil-Japanese sa four-way tie sa second spot patungo sa last round sa 204 total.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Iwan lang siya ng four-shot kay three-day leader Jin Young-ko ng South Korea na may 69-200 sa dikdikang bakbakan hanggang sa huling butas ng dalawa kasama sina home bet Elizabeth Szokol (65) at Lindsey Weaver (69) at Korean So Yeon Ryu (71) na may mga 204 din.

Ang isa pang Philippine bet at kakuwadra ni Saso sa ICTSI na si Dottie Ardina, tumira naman ng 71-212 upang humanay sa siyam na nasa pang-41 posisyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.