Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso angat sa world ranking

0 108

Sumampa ng dalawang baitang si Yuka Saso sa latest world women’s professional golf rankings, No. 55 na mula sa 57th sa nakaraang linggo sa kabila na na-cut sa sa third-to-the-last event ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, ang 39th Itoen, noong Sabado.

May 1.95 average points sa total 68.33 markers sa 21 tournaments, ang 19-year old top Philippine player na kumapit naman sa Olympic ranking sa 26th place pa rin.

SM food to go Banner Ad

Sa pagpahinga naman ng tatlong linggo ng USA LPGA, dumausdos ng dalawang hakbang si Bianca Pagdanganan, nasa 154th sa 0.76 ave. at 26.72 total pts. Pero hindi nagalaw ang Olympic ranking niyas na ika-40 pa rin.

Parehong may laban pa dalawa sa Huwebes sa Japan at Estados Unidos. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.