Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso angat sa world ranking

0 146

Tuloy ang pag-angat sa women’s world ranking ni Yuka Saso nang humakbang ng 16 na baitang pa-No. 57 na mula sa 73rd nitong November 2, habang hindi natinag ang kapwa rookie na si Bianca Pagdanganan sa No. 152.

SM food to go Banner Ad

Ang kumakasa niyang pagsegunda nitong Linggo sa 48th Toto Japan Classic 2020 na ikatlong major championship ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour ang nagbigay kay Saso ng 1.96 average points o 68.53 total sa 21 tournaments.

Tengga muna ng tatlong linggo ang USA 71st LPGA Tour 2020 kaya hindi gumalaw sa kinalalagyan si Pagdangan na suportado rin ng ICTSI gaya ni Saso. May 0.76 pts. per game at 26.72 aggregate siya mula sa pito pa lang na kompetisyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.