Abante Tonite Interactive

Saso, Ardina problemado

260

Dalawang Pinay golfer ang problemado dahil sa kanilang kampanya na makalaro sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan ngayong taon.

Nabulilyaso ang kanilang sasalihang mga qualifying tournament dahil sa pag-atake ng mapanganib na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Nasa 42nd at 44th sina 2018 Jakarta Asian Games gold medalist Yuka Saso at former US LPGA Tour campaigner Dottie Ardina, ayon sa pagkasunod, sa simula ng Tokyo 2020 Olympic Women’s Golf Rankings noong July.

Pero lumagapak sila sa No. 50 at 52 na bago itinigil ang qualifying tournament dahil sa COVID-19 pandemic. Lalahukan sana nina Saso at Ardina ang Japan Ladies PGA Tour at Symetra Tour, para mapaganda ang kanilang ranking, na mga natigil din.

Ang qualifying ng golf para sa Olympics ay binabase sa sport’s world ranking kung saan ang Top 60 sa men’s at women’s ang mga papasok quadrenial sportsfest na nakatakda sa Hulyo 24-Aguosto 9. (Elech Dawa)