Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Ardina titirada na uli

0 60

Balik-hambalusan sina 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso at Dottie Ardina sa 72nd Ladies Professional Golf Association 2021 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey simula ngayong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Kakagaling lang ng dalawang pambato ng ‘Pinas at tinataguyod ng ICTSI sa 25th leg $1.750K (P89M) 27th Shoprite LPGA Classic sa Galloway, NJ rin nito lang Linggo, na rito’y sumalo sa pang-19 si Saso at si Ardina sa 44th.

Binyagan pa lang si reigning US Open Saso sa 132-player, 72-hole stroke, four-day event, samantalang babawi si Ardina mula sa pagmintis sa cut sa nakaraang taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.