Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso asinta ang ika-3 korona

0 38

Susubukang bumangon sa nakalipas na dalawang leg para sa asam na ikatlong korona ni Yuka Saso sa pagsiklab ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020 5th leg – ¥80M Descente Ladies Tokai Classic – ngayong Biyernes sa Shinminami Aichi Country Club Mihama Course sa Aichi, Japan.

Lumagak sa ika-13 puwesto ang top Pilipina golfer sa JLPGA Championship Minolta Cup sa Okayama nitong Setyembre 10-13, at ika-29 na posisyon sa Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament nitong Set. 4-6 sa Gifu.

Nag-reyna ang 19-year-old rookie pro sa Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido nitong Agosto 27-30 at sa NEC Karuizawa 72 Golf Tournament nitong Aug. 14-16 sa Nagano, habang pumanlima sa Earth Mondamin Cup nitong Hunyo 25-28 sa Chiba.

Pero daraan sa butas ng karayom ang Player of the Year at current money race frontrunner laban kina Momoko Ueda na sa edad 21 noong 2007 naging top money earner sa mayamang sport ircuit na ito ng rehiyon, JLPGA Championship winner Saki Nagamine, Golf 5 titlist Sakura Kaiwai, Earth Mondamin Cup titleholder Ayaka Watanabe at iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.