Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso asinta ika-3 korona

0 215

Ilulunsad ni Yuka Saso ang kampanya para sa ikatlong kampeonato sa 25th leg ng 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour 2020-21, ¥120M (P52.5) 22nd Hoken no Mado Ladies na sisiklab ngayong Biyernes sa Japanese White Course ng Fukuoka Country Club sa Fukuoka City.

Pero hindi magiging madali para sa 19-year-old, 5-foot-5 Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan ang misyon laban sa 133 karibal sa 54-hole, 3-day golfest na tatagal hanggang Linggo at magkakaloob sa reyna ng ¥21.6M (P9.4M).

Huling umupo sa trono ang top Philippine pro nang maka-back-to-back sa 2nd-3rd leg na August 14-16 NEC Karuizawa 72 Golf Tournament sa Nagano at Aug. 27-30 na Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.