Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Aussie 5th naghati sa P4M

0 96

Nagposte sina Yuka Saso at Australian partner Minjee Lee ng eight-over par 62 para sa total 18-under 262 upang magsolo fifth place finish na may $96,833 (P4.8M) sa rolyo ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 18th leg $2M 2nd Dow Great Lakes Invitational sa Mindland Country Club sa Midland, Michigan Sabado (Linggo sa Maynila).

Kampeon ang mag-utol na Jutanugarn – Ariya at Moriya ng Thailand – na may 59-256 at kopoin para paghaatian din ang $553,076, tatlong palong panalo kina Thai Jasmina Sawannapura at hometown bet Cydney Clanton.

SM food to go Banner Ad

Nasa fifth-way tie sa 12th spot si Bianca Isabel Pagdanganan at American tandem Sarah Schmelzel (66-266) na may $39,690 (P2M), habang kabilang sa apat na pares sa ika-35 puwesto sinaang ICTSI teammate nina Saso at Pagdanganan na si Dottie Ardina at African Paua Reto na may 69-274 kalakip ang $8,846 o P445K cash prize. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.