Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso balik-palo sa LPGA Japan

0 125

Ipagpapatuloy ni Yuka Saso ang laban para sa Mercedes Ranking (Player of the Year), Money Ranking at 2020 Tokyo Olympic slot sa pagbabalik-palo mula sa anim na na linggo at anim na torneong pag-absent sa 12th Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020-21.

Sasabak ang edad 19-anyos, 5-5 ang taas at Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan sa ¥120M (P52M) World Ladies Championship Salonpas Cup sa East Course ng Ibaraki Golf Club sa Ibaraki Prefecture sa May 6-9.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaglag sa ikaapat na puwesto sa POY at MR na matagal na pinamumunuan ng top PH pro golfer sa pagliban sa anim na kompetisyon sa LPGAJP dahil sa quarantine period at paglalaro sa dalawang yugto ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 sa US kung saan kumita siya ng P3.1M. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.