Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso balik world No. 8

0 138

Determinadong maabot ang pangarap na mag-world No. 1, balik sa No. 8 si Yuka Saso makalipas ang triple-tie 21st place finish sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 15th leg 59th KPMG Women’s PGA Championship sa Atlanta Athletic Club sa Georgia nitong Linggo.

Sa Rolex Women’s World Gold Rankings Lunes, nag-average ang 2020 Tokyo Olympics-bound na si Saso, 20, ng 5.60 points at may 196.05 total markers na sa 33 tounament.

Unang nag-No. 9 ang Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan sa major breakthrough sa US Women’s Open win nitong June 3-6 at umakyat pa sa eight spot na best ranking sa kabila na walang nilaruang torneo saka nahulog sa ikasiyam noong isang linggo.

Pero ang pinakamataas na iniangat – 112 step – sa hanay sa tatlong Pinay na mga suportado ng ICTSI ay si Dottie Ardina na buhat sa No. 362 ay No. 250 na dahil sa pagsalo sa 12th spot sa KPMG na best effort niya sa major o sa anim na taong pagkampanya sa LPGAT.

Sa sablay sa Women’s PGA cut, laglag ng dalawa ang pa-Tokyo Games ding si Bianca Isabel Pagdanganan na ngayo’y nasa 165th na. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.