Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso bibira uli sa LPGA Tour

0 36

Nakikita ni 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso na mas magiging malakas siya sa pangalawa niyang taon sa US-based 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumalto ang 20-year-old Pinay ace na suportado ng ICTSI sa grado ng LPGA Qualifying School Stage 2 sa huling bahagi ng 2019, pero nagpasiklab sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020-21 sa likod ng dalawang tagumpay at anim na Top 10 finishes, inimbitahan siya sa ilang LPGAT event.

Mula roon, iniskor ni Saso ang unang major victory sa 76th US Women’s Open noong June sa San Francisco na nagkaloob sa kanya ng limang taong membership status sa world ladies premier circuit. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.